Matagumpay na ipinagdiwang ang Quezon Annual Cooperative Month na may temang “Cooperatives: Stronger Together Today for a Brighter Tomorrow” na ginanap sa Quezon Convention Center, Lucena City noong ika-17 ng Oktubre 2024.

Ang aktibidad na ito ay idineklara sa ilalim ng Republic Act No. 11502 o Declaring the month of October of every year as National Cooperative Month.

Bilang pakikiisa at pagpapakita ng suporta sa 596 Cooperative sa Lalawigan ng Quezon, dinaluhan ang nasabing programa ni Governor Doktora Helen Tan kasama ang iba pang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

Kasama ring ipinakilala ang pinakabagong produkto ng Rural Improvement Club ng bayan ng Mauban ang pamatid-uhaw na Calamasi Juice “Quench”, na aprobado na rin ng Food and Drug Administration (FDA).

Layunin nito na maimulat ang mga kaisipan ng mga kababayan lalo’t higit ang mga kabataan ukol sa kahalagahan ng pagiging miyembro ng kooperatiba at ang mga nagiging ambag nito sa ekonomiya ng Lalawigan ng Quezon.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *