Naging matagumpay ang pagsasagawa ng Tree Planting Activity ng mga kasapi ng kooperatiba sa Lungsod ng Tayabas bilang bahagi ng pagdiriwang sa Cooperative Month Celebration 2024 nito lamang ika-18 ng Oktubre 2024 sa Forest Land, Barangay Ibabang Palale.


Nasa 97 na kasapi, mula sa labindalwang kooperatiba ang nakiisa kung saan umabot sa mahigit 500 na iba’t ibang uri ng binhi ng puno ang itinanim.
Pinangunahan ng mga kawani ng City Cooperative Development Office sa pamumuno ni CDO Gener Abordo ang aktibidad kasama ang mga kasapi ng Masa Credit Cooperative of Tayabas, Tayabas Transport Service and MPC, Tayabas Water Services Cooperative, Government Employees of Tayabas MPC, Tayabas Community MPC, Binhi ng Kalikasan ng Barangay Lalo, Maprotas Agriculture Cooperative, Tayabas Coconut Farmers Agriculture, St. Jude MPC, Samahan ng Nagkakaisang Magsasaka ng Ibabang Palale, Nagkakaisang Samahan ng Magniniyog sa Tayabas, El Royale Credit Cooperative.
Patuloy ang pagsuporta ng pamahalaan sa mga ganitong aktibidad sa pangunguna ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso dahil hindi lamang ito nagpapakita ng magandang samahan ng mga kooperatiba sa munting gawain katulad ng pagsasagawa ng Tree Planting Activity, ito rin ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating kalikasan.
Source : Tayabas City Information and Community Relations Office