Inaasahang mapapadali na ang trabaho ng mga magsasaka sa Bicol Region dahil sa Php15M na inilaang pondo ng Department of Agriculture para sa Drone Voucher sa ilalim ng National Rice Program.

Ayon kay DA – Bicol Spokesperson, Lovella Guarin, bawat voucher na ipapamahagi sa mga magsasaka ay nagkakahalaga ng Php2,000 bawat ektarya. Ito aniya ang gagamitin ng mga magsasaka upang makakuha ng serbisyo mula sa ahensya.

Dagdag ni Guarin, magagamit ang agricultural drone sa iba’t ibang farm operations kabilang na ang rice seeding, fertilizer application at pag-spray ng pesticides. Paliwanag niya, kaya nitong matapos ang nasa tatlong ektarya sa isang oras.

Samantala, binigyang diin ni Guarin na naging prayoridad muna ng nasabing inisyatiba ang 25 rice clustered areas sa Bicol simula ngayong dry season cropping na nagsimula nitong Setyembre 16. Tinatarget nito na macover ang 7,600 ektarya ng palayan sa Bicol.

Source: Radyo Pilipinas Albay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *