Matagumpay na inilunsad ang kauna-unahang “BBM (Bayanan-Biga-Malad) Cluster Kick-Off Ceremony 2024”, alinsunod sa direktiba ni DA Secretary, Francisco P. Tiu Laurel Jr. na ginanap sa Barangay Malad, Calapan City, Oriental Mindoro nito lamang ika-18 ng Oktubre 2024.

Ang naturang programa ay naisakatupran sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office at National Irrigation Administration (NIA)-MIMAROPA, sa pakikipag-ugnayan sa Oriental Mindoro Provincial Local Government Unit (PLGU) at Calapan City Agricultural Services Department. Dumalo at nagbigay rin ng suporta ang iba’t ibang kawani at kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya sa probinsya.

Ang pagtatatag ng pilot 1,000 ektaryang rice cluster ng Department of Agriculture sa Oriental Mindoro ay naglalayong mas palakasin at pahusayin ang produksyon ng bigas, sa pamamagitan ng pagsasanib pwersa, koordinasyon, at kooperasyon ng mga stakeholder, kung saan sinasabing sa ilalim ng BBM Cluster, ang mga benepisyaryo na binubuo ng Farmers’ Associations (FA) at Irrigators’ Associations (IA) ay makatatanggap ng suportang interbensyon.

Ang programang ito ay siyang magpapalakas at magpapabuti ng kalagayan ng mga komunidad sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagbibigay ng mga serbisyo, at pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya. Nakatuon ito sa mga proyekto at inisyatibong makatutulong sa mga mamamayan sa kanilang pang araw-araw na buhay at sa pag-unlad ng kanilang mga lugar.

Source: Tatak Calapeño

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *