Isa sa pinarangalan ang Coral Bay Nickel Corporation, na nakabase sa Bataraza, Southern Palawan, sa Awarding Ceremony ng 2023 Presidential Mineral Industry Environmental Award (PMIEA) na ginanap sa Malacanang nito lamang ika-17 ng Oktubre 2024.

Ang naturang pagtitipon ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonio Loyzaga. Dumalo sa pagtitipon ang mga delegado mula sa iba’t ibang mining firm’s ng bansa.

Pinuri ni Pangulong Marcos ang mga natatanging kontribusyon ng 13 mining firms na yumakap sa mga responsableng kasanayan sa sektor, na binibigyang diin ang kanilang mga tungkulin sa pag-aangat ng komunidad at pagpapanatili ng kapaligiran.

Sa ginanap na seremonya, binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga mining firms sa environmental sustainability at community development. Pinuri rin ng pangulo ang mga kumpanya sa kanilang kontribusyon sa host at mga karatig komunidad, partikular sa mga lugar tulad ng edukasyon, kalusugan, at livelihood initiatives.

Ang PMIEA, na itinatag sa ilalim ng Executive Order No.399, series of 1997, ay isang taunang programa ng pagkilala na nagbibigay parangal sa mga kumpanya ng pagmimina para sa kanilang pambihirang pagganap sa mga lugar ng kaligtasan at pamamahala ng kalusugan, pangangalaga sa kapaligiran, at pag unlad ng lipunan.

Source: Palawan News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *