Naging matagumpay ang pamamahagi ng mga benepisyo sa ilalim ng Local Social Pension para sa mga Senior Citizen ng Tanauan, Batangas noong ika-16 ng Oktubre 2024.


Ang aktibidad ay bahagi ng inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development, OSCA Tanauan at City Treasury Office.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. King Collantes na katulong ni Mayor Sonny upang maibaba ang mga serbisyong publiko mula sa national government.
Ang nasabing pensyon ay mula Hunyo hanggang kasalukuyang buwan na agarang ipinapamahagi ng lokal na pamahalaan na dalawang beses kada taong natatanggap ng ating mga Senior Citizens.
Ang programa ay alinsunod sa pagpapalawig ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 na nangangalaga sa mga Indigent Senior Citizens sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal para sa kanilang pangangailangan.
Source: Tanauan CGTV