Patuloy ang pagtangkilik ng mga Quezonian sa programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na Kadiwa ng Pangulo sa Kapitolyo na muling isinagawa sa ika-sampung pagkakataon sa taong 2024 na ginanap sa Quezon Capitol Compound, Lucena City nito lamang ika-15 ng Oktubre 2024.

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang buwanang aktibidad katuwang ang Department of Trade and Industry Quezon Provincial Office at ng iba’t ibang mga ahensya bilang pakikiisa sa proyekto ni PBBM.

Layunin nito na mailapit ang mga magsasaka at maliliit na negosyante sa mga konsyumer sa pamamagitan ng mga lokal at abot-kayang produkto gaya ng sariwang prutas, gulay, mga kakanin at mga natatanging produkto ng lalawigan ng Quezon.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *