Nasa 370 na residente ng San Mateo ang nabigyan ng libreng serbisyo sa isinagawang San Mateo Rizal Surgical – Medical Mission 2024 nito lamang ika-15 ng Setyembre 2024.

Sari-saring medical services ang naipaabot sa mga kababayan na may mga karamdaman sa nasabing bayan tulad ng libreng konsultasyon, dental services, optical services, at surgical services gaya ng pagtatanggal ng mga maliliit na bukol sa katawan.

Patuloy lamang ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng San Mateo Rizal Municipal Health Office sa pagpapaabot ng mga kapaki-pakinabang na serbisyo para sa mga mamamayan ng San Mateo, katuwang ang Marikina Valley Medical Society, Eyelab Optical, at Sustained Health Initiatives of the Philippines (SHIP) Inc.

Source: San Mateo Rizal PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *