Sumailalim sa isang oryentasyon ang 698 na benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE) bilang paghahanda para sa kanilang nalalapit na dalawang linggong pagtatrabaho sa Puerto Princesa nito lamang Agosto 22, 2024.

Ang programang ito ay inisyatiba ng opisina ni House Speaker Martin Romualdez, na siyang Palawan 3rd District Caretaker na naglalayong magbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa mga manggagawang nawalan ng trabaho.

Sa programa ay binigyang-diin ng mga opisyal mula sa DOLE ang kahalagahan ng pagtatrabaho at ang pagsusumikap bilang susi sa pag-unlad ng buhay.

Ayon sa DOLE, ang TUPAD program ay hindi lamang naglalayong magbigay ng pansamantalang kita, kundi isa ring hakbang para maitaguyod muli ang kanilang kakayahang makahanap ng mas pangmatagalang trabaho.

Inaasahan ng DOLE at ng mga benepisyaryo na magiging matagumpay ang programang ito sa pagtulong na maibalik ang dignidad at kumpiyansa ng mga manggagawa sa kanilang sarili at sa kanilang kakayahan na makapagtrabaho muli.

Source: 103.1 Brigada News FM – Palawan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *