Matagumpay na naisagawa ang pagpirma ng commitment ng iba’t ibang partner agencies at local and national government offices sa pinakaunang Partnership Summit na ginanap sa Dalubhasaan Bldg, Provincial Sports Complex, Batangas City noong ika-20 ng Agosto 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development IV-A katuwang ang Batangas Provincial Social Welfare and Development Office, sa pangunguna nina PSWDO Department Head Florita Lachica at Assistant Department Head Adelia Macaraig.

Malugod namang dumalo at nagbigay mensahe sina Vice Governor Mark Leviste at Provincial Administrator Wilfredo Racelis.

Ang 2024 Partnership Summit ay may temang “Magkabalaybay sa Pag-Adyo: Empowering 4Ps Beneficiaries through Collaborative Partnership” na naglalayong mapatibay, maisulong at matulungan ang bawat pamilya na kabilang sa programa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Source: Batangas PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *