Ipinagdiwang ng lalawigan ng Batangas ang 50th Nutrition Month na may temang “Sa Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat” sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-30 ng Hulyo 2024.

Nakiisa sa naturang aktibidad si Batangas Governor DoDo Mandanas kasama sina Vice Governor Mark Leviste, 2nd District Board Member Arlene Magboo, 5th District Senior Board Member Claudette Ambida-Alday, PHO Head Dr. Rosvilinda Ozaeta at iba pang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Provincial Nutrition Council sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO).

Binigyang-daan din ang pagkilala sa Outstanding Provincial Nutrition Program Implementers 2024 at ang panunumpa ng mga opisyal ng Provincial Federation of City/Municipal Nutrition Officers at Provincial Federation of Barangay Nutrition Scholars.

Ang PPAN ay sumisimbolo sa patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan at mga katuwang na ahensya, upang maisulong ang iba’t ibang mga adbokasiya, programa, at inisyatibo na sumesentro sa nutrisyon.

Sa pagtutulungan at pagkakaisa, tiyak na magiging matagumpay ang layunin para sa mas malusog na kinabukasan kung saan ay ang tamang nutrisyon ay pundasyon ng isang maunlad na bansa.

Source: Batangas PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *