Matagumpay na isinagawa ng Social Security System (SSS) ang Pambansang Araw ng Pagpaparehistro na ginanap sa Mangyan Hall, Kapitolyo ng Oriental Mindoro, nito lamang Hulyo 15, 2024.

Ayon kay Imelda Familaran, pinuno ng SSS Calapan Branch, mahalaga ang naturang kaganapan upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat indibidwal na magparehistro at maging kasapi ng SSS.

“Ang layunin namin ay masigurong mas maraming tao ang makakakuha ng mga benepisyo at seguridad na iniaalok ng SSS,” pahayag ni Familaran.

Marami ang nakiisa mula sa lokal na komunidad, at sinamantala ng mga residente ang serbisyong pagpaparehistro na inaalok sa lugar.

Sa pagiging kasapi ng SSS, magkakaroon ng access sa iba’t ibang benepisyo tulad ng pagkakasakit, panganganak, kapansanan, pagreretiro, at pagkamatay, na mahalaga para sa kanilang pinansyal na seguridad at suporta.

Patuloy na hinihikayat ng SSS ang mga hindi pa nakakapagparehistro na gumawa ng hakbang patungo sa kanilang social protection.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ng mga residente ang SSS Calapan Branch o ang opisyal na website ng SSS.

Source: PIA ORIENTAL MINDORO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *