Tumanggap kamakailan ng abono o fertilizer ang nasa 929 magsasaka sa bayan ng Camalig, Albay mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng National Rice Program.

Naisakatuparan ang pamamahagi ng fertilizer assistance sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa ahensya.

Bawat magsasaka ay tumanggap ng abono na magagamit sa kanilang pananim.

Bukod rito, binigyan din ng oportunidad ang mga benepisyaryo na makapili ng klase ng abono na naaayon sa kalidad ng lupa at pananim na kanilang sinasaka.

Ayon kay Municipal Agriculture Office (MAO) Head Dante P. Alejandro, ang pamamahagi ng Triple 14 Complete Fertilizers ay inaasahang makakatulong sa 628.29 ektarya ng palayan sa kanilang bayan.

Samantala, tumanggap din ang ilang magsasaka mula sa kalapit na bayan ng Camalig, ang Guinobatan, Albay.

Source: Radyo Pilipinas Albay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *