Matagumpay na naisakatuparan ang Medical and Dental Mission ng Rotary Club Angono katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Angono na ginanap sa Angono Gymnasium noong ika-12 ng Hulyo 2024.

Ilan sa mga serbisyong medikal ay ang libreng dental check-up at pagbubunot ng ngipin, libreng konsultasyon at check-up para sa mga kababayang senior citizens, mga bata, PWDs, at mga buntis.
Para sa mga buntis, nagbigay ng libreng laboratory services kabilang ang Random Blood Sugar, Syphilis, Hepa B, at HIV screening.
Namahagi rin ng nutrition kits na naglalaman ng itlog, gatas, bitamina, at cereals upang matiyak ang kalusugan at nutrisyon ng mga ina at kanilang mga sanggol.

Namigay din ng libreng mga gamot at bitamina para sa mga bata, senior citizens, at PWD upang masiguro ang kanilang kalusugan at kagalingan.
Ang aktibidad ay naglalayong mabigyang atensyon ang mga suliraning pangkalusugan ng mga mamamayang lubos na nangangailangan partikular ang mga senior citizens, PWDs, mga bata at mga buntis sa ating komunidad.
Source: Angono PIO