Dahil sa prayoridad ng Ako Bicol Partylist ang magkaroon ng malusog na kalusugan ang mga kababayang Bicolano, dinala ng Ako Bicol ang Tarabangan Caravan ang Medical at Dental Mission at Local Recruitment Activity sa Xentro Mall, Polangui, Albay, nitong Hunyo 27, 2024.

Higit 350 residente ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal at gamot hatid ng Tanchuling General Hospital. Handog naman ng Eve Gate Academy ang libreng gupit, masahe at nail care, at may pa-tinapay naman mula sa Gardenia Bakeries Phil. Inc. Nagbigay din ng mga sabon ang Clean the World at Children International Philippines, Inc.

Nagkaroon din ng Demo Training tungkol sa Solar Panel Installation hatid ng San Francisco Institute of Science and Technology ng Malilipot, Albay at TESDA. Ang Sunwest Inc. naman ay naglunsad ng local recruitment activity para sa mga naghahanap ng trabaho. Nakakamanghang magic tricks naman ang hatid ni Aurelius the Magician sa mga pumuntang bata.

Naging katuwang ng Ako Bicol PartyList sa programa ang Philippine National Police (PNP), Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at ilang volunteers. Kasama rin sa pagsusulong ng programa ang mga sponsors: BeyBi Ko; Freeda Napkin; Mogu Mogu; Kabarro; Taichi; at Super Cow.

Lubos na nagpapasalamat ang Ako Bicol sa Xentro Mall sa pangunguna ni Ms. Gina De la Rama na malugod na ipinahiram ang Event Center para sa aktibidad, maging ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development (MSWDO) at kay Polangui Mayor Raymond Adrian Salceda.

Layunin ng Tarabangan Caravan na maidala sa mga malalayong komunidad ang libreng serbisyong medikal sa mga kababayang nasa malalayong lugar.

Source: Ako Bicol Party List

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *