Nagsagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) – Tulong Panghanapbuhay sa mga Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Orientation sa Bayan ng Mansalay noong ika-12 ng Mayo 2024.

Sa nasabing pagtitipon, mahigit 370 mamamayan ang nakinabang sa mga impormasyon at oportunidad sa ibinahagi ng DOLE.

Layunin ng oryentasyon na magbigay ng mga kaalaman at oportunidad sa mga manggagawang naapektuhan ng krisis na dala ng El Niño.

Bukod dito, hindi rin nagpahuli ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong residente.

Daan-daang food packs ang ipinamahagi bilang suporta at tulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Sa kabuuan, 1,684 na mamamayan ang mabibigyan pa ng tulong pinansyal.

Sa ganitong mga pagkilos, muling ipinakita ng komunidad ng Mansalay ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa sa panahon ng krisis.

Ipinapakita rin nito na sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagmamalasakit sa kapwa, maaari nating malagpasan ang anumang pagsubok na ating hinaharap.

Source: Governor Humerlito “Bonz’’ Dolor

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *