Nagkakahalaga lamang ng 20 pesos ang bigas para sa mga mamimiling miyembro ng 4Ps, Senior Citizens, at Person with Disability (PWD), at 35 pesos naman para sa mga regular costumer sa inilunsad na Kadiwa sa NIA sa Ligao City, Albay, nito lamang Abril 25, 2024.
Ang aktibidad ay hatid ng National Irrigation Administration (NIA) Bicol katuwang ang ACIMO Irrigators Association at mga magsasakang sakop nito.
Bukod dito, tinangkilik rin ng mga mamimili rito ang iba’t ibang aning gulay, prutas, at mga kakaning mula pa sa mga IAs ng probinsya.
Source: NIA Region V – Bicol Region