Pormal na binuksan nito lamang ika-26 ng Abril ang pagdiriwang ng Pamaypayan Festival at ika-168 Founding Anniversary ng lalawigan ng Lopez, Quezon.
Sa pagsisimula, tampok ang pagbubukas ng Agro-Industrial Trade Fair and Exhibit, Kalye Tsibugan sa Pamaypayan at Pamayperyahan.
Naging tampok ng aktibidad ang Fire Dance, Pamaypay Weaving Contest, Palaro ng Lahi 2.0, Plazambanog at Foam Party, tampok din ang Mix ‘N Flare Competition na tiyak na nagbigay aliw sa mga kalahok at manonood.
Bukod diyan, nagpamalas din ng galing at nagpasaya sa pamamagitan ng musika ang Local Band, Calein Band at Nobita Band.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong maipamalas ang kani-kanilang talento, nagpapakita ng pagkabuklod-buklod at pagkakaisa ng mga mamamayan sa lalawigan ng Lopez.
Source: Municipality of Lopez, Quezon