Kamakailan lamang ay naganap ang volcanic smog kung saan nagbigay ng pangamba sa mga mamamayang naninirahan malapit sa bulkan.

Bilang pagtugon ng gobyerno katuwang ang DSWD sa suliraning ito, sila ay naghatid ng tulong pinansyal sa mga residenteng apektado ng nasabing sakuna.

Matagumpay na naipamahagi sa 1,476 na kataong naninirahan malapit sa bulkang Taal ang ayuda.

Ang programang ito ay alinsunod sa inisyatibong isinusulong ni Cong. Maitet, katuwang nina Mayor Sonny, Atty. King Collantes at DSWD sa pangunguna ni Sec. Rex Gatchalian kung saan ay malaking tulong ito para sa mga mamamayan na apektado ng nasabing kalamidad upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan habang sila ay nasa gitna ng suliraning kanilang kinakaharap.

Source: City Government Of Tanauan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *