Isinagawa ang People’s Caravan “Serbisyong Dala ay Pag-asa”, sa Southville 9 Covered Court, Barangay Pinugay, Baras, Rizal, nito lamang ika-25 ng Abril 2024.

Ang programa ay ang kauna-unahang People’s Caravan ngayong 2024 na inihahandog ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, sa pangunguna ng National Housing Authority na dinaluhan ng 2,100 na benepisyaryo.

Kasama ang Philippine National Police, Municipality of Baras, Rizal, Department of Agriculture, Department of Health, Department of Information and Communications Technology, Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development, Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute, Land Transportation Office, PAG-IBIG Fund – Tanay Branch, PhilHealth, Public Attorney’s Office, Philippine Statistics Authority, National Irrigation Administration (NIA), National Nutrition Council (NNC), Social Security System, Technical Education and Skills Development Authority, AFP, PAGCOR, Philippine Charity Sweepstakes Office, Department of Trade and Industry, at ang Provincial Government of Rizal, ay nagkaisa upang makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga mamamayan.

Ang layunin ng programang ito ay literal na mailapit sa mga tao ang iba’t ibang serbisyo, katulad ng medikal, libreng pagproseso ng police clearance, pagtuturo ng kaalaman at pagkakakitaan na hatid ng TESDA, pagbibigay ng mga gamit sa pagtatanim ng DOA, pagkonsulta sa Public Attorney’s Office at marami pang iba.

Hangad ng gobyerno na makapagbigay ng pag-asa sa mga residente ng nasabing lugar upang maramdaman nila na sila ay pinapahalagahan at patuloy na iniisip lalo na kung ano pa ang pwedeng maitulong ng pamahalaan at makakagaan sa kanilang pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *