Bumuhos ang biyaya para sa mga kababaihan mula sa 21 barangay ng Laurel, Batangas nang matanggap nila ang pinakahihintay nilang “livelihood packages” sa pamamagitan ng “Negokarts” mula sa Department of Labor and Employment Regional Office IV-A – Batangas Provincial Office (DOLE-BPO) na ginanap sa Municipal Gymnasium ng nasabing lugar.

Pinangunahan ni DOLE BPO Director Predelma Tan ang kaganapan na malugod namang dinaluhan nina Laurel Mayor Lyndon M. Bruce, Vice Mayor Aries Parilla, at Batangas 3rd District Representative Cong. Maria Theresa V. Collantes.

Sa mensahe ni DOLE BPO Director Tan, kanyang binigyang diin ang “Post-Implementation Monitoring” upang matiyak ang paglago ng bagong “turn-over business packages” sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

“Sustainable po ‘yan para sa inyo. Ang importante po, mapalago ninyo,”, dagdag pa niya.

Samantala, pinangunahan naman nina Ms. Salvacion Kalalo, DILP Focal Person ng DOLE BPO, at Ms. Rozil Regodos, Livelihood Development Specialist ang pamamahagi at pagpapaalala sa mga benepisyaro ng mga inklusyons ng kanilang “packages”.

Lahat ng mga benepisyaryo ay miyembro ng isang samahan ng kababaihan sa Laurel, Batangas na kung saan ang 21 Barangay sa nasabing bayan ay nabigyan ng tig-iisang proyektong pangkabuhayan, ang Negokart.

Umaasa ang Departamento na marami pang komunidad ang makikinabang kung ang paunang proyektong Negokart ay mapapalago.

Ang pamahalaan ay tuloy-tuloy sa pagsasagawa ng mga proyekto at programa na tutulong sa mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangkabuhayan at pagbibigay ng mga alternatibo upang labanan ang kahirapan.

Source: DOLE-Batangas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *