Oriental Mindoro- Ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) MIMAROPA ng mga kagamitang pangsaka sa mga munisipalidad ng Victoria, Gloria, at Bansud, Oriental Mindoro nito lamang Enero 9, 2024.

Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Department of Agriculture MIMAROPA at High Value Crops Development Program (HVCDP) at sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang asosasyon at kooperatiba sa nasabing probinsya.

Ang benepisyaryo ng naturang mga kagamitan ay ang Narra Agriculture Cooperative and Victoria Kalamansi Farmers Federation. Sila ay nakatanggap ng truck na nagkakahalagang ₱1.2 milyon.

Ang Maralitang Magsasaka ng Mindoro ay nakatanggap din ng truck na nagkakahalagang ₱1.5 milyon samantalang ang Malubay Agrarian Reform Beneficiaries ay natanggap ng cassava chipper na nagkakahalagang ₱248, 500.00.

Laking pasasalamat ng mga magsasaka sa mga natanggap na kagamitan sapagkat ito ay malaking tulong upang mas mapadali ang kanilang mga trabaho. Masisilayan din sa kanilang mga labi ang ngiti na nagpapatunay ng malaking pasasalamat mula sa biyayang natanggap.

Patunay lamang na lahat ng ito ay bunga ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga ahensyang may layuning magkaroon ng produktibong komunidad ang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *