

Bubuksan muli sa publiko ang World War II Japanese tunnels na matatagpuan sa Quituinan Hill sa Barangay Tinago, Camalig, Albay sa ginawang extensive mapping, assessment at dry run sa tunnels ng Municipal Tourism & Cultural Heritage Office (MTCHO) nito lamang Enero 10, 2024
Sakaling maayos na ang safety measures at protocols ay bubuksan na ito sa publiko na tiyak magbibigay sa mga turista ng kakaibang karanasan at kaalaman lalo na sa kasaysayan ng lugar.
Layunin din nitong isulong at payamanin pa ang turismo ng bayan, at itaguyod ang kultura at makasaysayang lugar.
Matatandaang ang World War II Japanese-dug tunnels ay nagsilbing kuta para sa Japanese Imperial Army noong 1940s.