Inilunsad sa Quezon Convention Center, Lucena City ang Program ni First Lady Liza Araneta-Marcos na may temang “Lab for all: Labaratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat”.

Ang nasabing programa ay bahagi ng pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kahalagahan ng pagbibigay prayoridad sa karapatang pangkalusugan ng bawat Pilipino upang makamit ang isang matatag na bansa.

Tinatayang 3,000 Quezonian ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal gaya ng pisikal at medikal na eksaminasyon, libreng gamot, libreng konsultasyon, at mga pangunahing pagsusuri sa laboratory tulad ng ultrasound, blood chemistry, ECG, at digital x-ray.

Samantala, kasama sa ginanap na programa para magbigay ng suporta sina PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr., DOH Secretary Teodoro Herbosa, Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Rueda Acosta, DSWD Secretary Suharto Mangudadatu, Vice Governor Third Alcala, 4th Disrtrict Congressman Atorni Mike Tan, 3rd District Congressman Reyna Arrogancia, dumalo rin sina Batangas Governor Hermilando Mandanas, Pampanga Vice Governor Lilia Pineda, at mga opisyales ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon.

Nagpasalamat naman si Governor Doktora Helen Tan dahil malaking tulong ang Lab for All Project para sa implementasyon ng Universal Health Care Act na patuloy na mapagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *