Masbate, City- Itinampok ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol sa kanilang Virtual Photo Exhibit ang Tugbo Natural Biotic Area na kabilang sa protected areas sa probinsya ng Masbate.
Ang Tugbo Natural Biotic Area ay matatagpuan sa probinsya ng Masbate City at Mobo, Masbate. Ito rin ay nagsisilbing tahanan ng iba’t ibang flora at fauna species, kabilang ang Philippine Hawk Owl, Philippine Bulbul, White-browed Shama, Blue-headed Fantail, White-vented Whistler, at Orange-bellied Flowerpecker.
Sa darating na panahon, madadagdag din ang Tugbo Natural Biotic Area sa mga destinasyon na pupuntahan ng mga turista.