Isa mga magagandang white beach ng Palawan ay ang Punta Sebaring Beach na pwedi mong ihalintulad sa Boracay Island White Beach. Ang nakatagong kagandahan nito ay matatagpuan sa gilid ng Bugsuk Island, Balabac, Palawan dahil ang beach ay nasa isang isla at kinakailangan mong sumakay ng bangka mula sa mainland upang marating ito.
Pagdating mo sa dalampasigan, makikita mo kaagad ang purong pullbos na puting buhangin nito na umaabot ng milya-milya. Ang kagandahan ng beach ay nanatiling natural dahil walang mga commercial establishments sa isla o sa tabi ng baybayin.
Paglampas sa dalampasigan, makikita mo ang matatayog na palm trees at ang lokal na komunidad. Tumawid sa tabing-dagat kapag mahina ang tubig upang makahanap ng nakamamanghang sandbar na nagmumula sa Punta Sebaring. Habang hinahampas ng tubig ang buhangin, binibigyan nito ang buong sandbar ng isang rippled texture, na dumadagdag sa magandang tanawin ng lugar.
Habang walang mga hotel o resort sa isla, maaari kang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Balabac bago ang iyong pagbisita kung nais mong magpalipas ng gabi dito.