Matatagpuan sa timog-kanlurang rehiyon ng Sibuyan Island, Romblon ang Cantingas River.
Isa sa pinakamalinis na ilog sa buong Pilipinas. Ang ilog ay matatagpuan sa bahagi ng Cantingas River Resort, na siyang namamahala, nagpapanatili ng kagandahan at kaayusan nito. Ito ay halos 4 kilometro lamang ang layo mula sa bayan ng San Fernando.
Isa sa mga pinakamagandang gawin dito ay ang lumangoy sa malinaw na umaagos na tubig habang ninanamnam ang magandang tanawin sa paligid nito. Makikita sa gilid ng ilog ang mga puno na nagpapanatili ng malinis na hangin sa paligid.
Bukod sa mga puno, makakakita ka rin ng multi-level cement diving platform na isa mga atraksyon ng lugar. Ito ang perpektong lugar upang masubukan ang cliff diving.
Bukod sa pagiging sikat na lugar para sa mga lokal at manlalakbay, ang ilog ay nagbibigay din ng malinis na enerhiya sa karamihan ng isla sa pamamagitan ng kalapit na hydroelectric power plant sa tabi ng ilog.