Ang Cagnipa Rolling Hills ay matatagpuan sa Barangay Balangonan, Pandan, Catanduanes. Ang Hills ay may berde at luntian na burol, may asul na karagatan, malinis na puting buhangin sa dalampasigan at mayroon ding mga kuweba.
Ito ay itinuturing na “Ang Batanes ng Catanduanes”, na konektado sa Tuwad-tuwadan Blue Lagoon sa ibaba at may magagandang rock formations.
Patok din ang lugar para sa mga pre-nuptial shoot, camping, pagpapalipad ng saranggola at masisilayan dito ang magandang paglubog ng araw.
Ang mga burol ng Cagnipa Hills ay patok sa mga turista dahil sa taglay nitong pinaka-natatanging tanawin na magbibigay kasiyahan sa mga turista.
Masisilayan din dito ang mga hayop na malayang gumagala sa ibabaw ng luntiang burol, malalaking bangin kung saan matatanaw ang karagatan at asul na kalangitan na nakakamanghang pagmasdan.