Ang El Faro De Isla Gintotolo Lighthouse ay matatagpuan sa munisipalidad ng Balud sa lalawigan ng Masbate, ito ay kabilang sa orihinal na 27 na pangunahing parola na unang itinayo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas.
Ito ay itinayo noong 1895, ang proyektong ito ay idinisenyo ni Ramon De Ros at kalaunan ay binago ni Primitivo Lluelmo. Ang pangunahing gampanin ng lighthouse na ito ay ang maging gabay sa mga sasakyang pandagat upang magbigay ng napakahalagang ruta sa mga manlalakbay.
Sa itaas ng tore na ito ay masisilayan mo ang napakagandang mga tanawin ng anyong tubig at mga isla na nakapaligid dito.