Ang bayan ng Prieto Diaz sa lalawigan ng Sorsogon ay itinuturing na isang eco-tourism spot dahil kilala ang lugar sa maraming nakatanim na mangroves.
Ang Prieto Diaz Mangrove Park ay may lawak na humigit-kumulang 300 ektarya, ito ay tumutulong na panatilihing ligtas ang bayan mula sa baha. Ang parke ay tahanan din ng nasa 19 na mangrove species na nagpoprotekta sa mga sea corals, at iba’t-ibang uri ng yamang tubig at mga ibon.
Dito maaari mong tangkilikin ang nakaka-relax na paglalakbay sa bakawan kung saan maaari mong pagmasdan ang mga nakakamanghang tanawin mula sa Albay Gulf.