Ang probinsiya ng Sorsogon ay nagdaraos ng taunang Pili Festival tuwing buwan ng Hunyo. Ito ay hango sa endemic fruit tree na karaniwang makikita sa Bicol Region na nagbibigay ng sikat na masasarap na pili nuts na ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang matatamis na delicacies.
Ang pagdiriwang ay upang parangalan ang dalawang patron na sina San Pedro at San Pablo.
Katulad ng ibang festival sa bansa, ang Pili Festival ay nagtatanghal din ng iba’t ibang makukulay na selebrasyon kabilang na ang pagkanta at pagsayaw na umaakit sa mga turista at mga mamamayan sa probinsya ng Sorsogon.