Ang Kasanggayahan Festival ay inilunsad ni Gov. Juan G. Frivaldo noong 1974.
Ang pangalan nito ay nagmula sa salitang kasanggayahan na nangangahulugang kasaganaan. Ito rin ang taon kung saan itinayo ang Kasanggayahan Amphitheatre kung saan dito ginaganap ang mga aktibidad.
Noong Oktubre 31, 2019, itinala ng Guinness World Record ang pinakamalaking pagtatanghal ng katutubong sayaw ng mga Pilipino sa nasabing aktibidad.
Itinampok din sa Kasanggayahan Festival ang makasaysayan at relihiyosong mga tradisyon ng mga mamamayan ng lalawigan ng Sorosgon.
