Ang Lubid Festival ay ipinagdiriwang tuwing ika-1 hanggang ika-15 ng Hulyo sa bayan ng Malilipot, Albay. Nagsimula ang naturang festival dahil nakilala ang bayan sa mga produkto nitong abaka.

Ibinibida sa pagdiriwang ang makukulay na kasuotan at ipinaparada ang mga higanteng produkto na gawa sa handicraft upang ipakita ang mga likha ng mamamayan ng Malilipot.

Layunin din ng pagdiriwang na isulong ang industriya ng abaka, at iba pang produkto ng kanilang bayan. Isa rin itong paraan upang ipromote sa mga karatig na bayan at ibang mga turista na tangkilikin ang kanilang mga produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *