Ang Quipia Festival ay ipinagdiriwang sa bayan ng Jovellar Albay, tuwing buwan ng Agosto. Ito ay isang pagdiriwang upang parangalan ang patron ng bayan na si San Juan de Bautista.
Ito rin ay nagbibigay-daan upang maipakita ng mga taga-Jovellar ang kanilang talento sa sining at kultura ng kanilang bayan na ipinagmamalaki sa napa-kahabang panahon.
Dahil sa Quipia Festival, nahihikayat ang mga kabataang alamin ang kasaysayan ng kanilang bayan at muling ipakita ang mga magagandang tradisyon na hindi dapat malimutan.
Tampok sa selebrasyon na ito ang mga sayawan at kantahan, bukod pa sa iba’t ibang aktibidad kasama na ang street dancing at street presentation.
