Ang Pulang-Angui Festival ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hunyo sa bayan ng Polangui, Albay.
Ang pagdiriwang ay inilalarawan ang mayaman at kakaibang sosyo-kultural na talento at katangian ng mga tao sa Polangui, Albay. Itinatampok din sa pagdiriwang na ito ang kanilang iba’t-ibang produkto.
Ayon sa kwento, ang “Pulang-Angui” ay naglalarawan sa isang dalaga na mahilig sa lahat ng kulay pula. Siya ay si “Red Maria” at Angui ang palayaw niya. Si Angui ay mahilig sa kulay pula na mga damit at nagtataglay ng magandang katawan, mukha at mapupulang labi na nakakabighani sa halos lahat ng kalalakihan sa kanilang lugar.
