
Ang Mt. Mayon ATV Tours sa Cagsawa Ruins ay matatagpuan sa Barangay Busay, Daraga, Albay kung saan maaari kang mag enjoy ng kakaibang adventure sa mga trail na malapit sa paanan ng bulkan.
Ang mga trail ay maaari mong marating sa pamamagitan ng pagmamaneho gamit ang ATV o All Terrain Vehicle.
May mga ilog, sapa at palayan na maaaring madaanan ng isang turista na nagdadala ng kakaibang adventure. Maaari din makuhanan ng malapitang litrato ang iconic na bulkang Mayon at ang mga nagagandahang tanawin na nakapaligid dito.