Ang Japanese Tunnels Ligñon Hills na may 40 metrong haba na L-shaped tunnel ay itinayo noong ikalawang digmaang pandaigdig nang lumaban ang mga sundalong Pilipino at Amerikano sa hukbong Hapones.

May mga estatwa pang makikita dito na naglalarawan kung ano ang naging buhay ng mga sundalo noon. Ang nakatagong daanan na ito ay ginamit bilang tulugan at maging pansamantalang ospital para sa mga sundalo noong panahon ng digmaan.

Ang Japanese tunnel ay ginawa ng daan-daan na sundalong Japanese Imperial Army na ginamit upang maghukay ng mga tunnel noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Albay at ito ang nagsilbi bilang isang mabisang paraan ng pagdadala ng kanilang mga kagamitan at pagpapakilos ng kanilang mga hukbo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *