Ang Cagsawa Ruins ay ang ika- 8 siglong simbahan Pransiskano. Ang Cagsawa ay simbahang itinayo noong 1724 at nawasak sa pamamagitan ng pagsabog ng Bulkang Mayon noong 1814.
Matatagpuan ito sa barangay Busay, Cagsawa mula sa munisipalidad ng Daraga, Albay. Ang mga labi, ay kasalukuyang protektado at pinangangalagaan ng munisipalidad ng pamahalaang bayan ng Daraga at ng National Museum ng Pilipinas. At ito’y idineklara din bilang National Cultural Treasure, ang pinakamataas na antas ng mga yamang pangkultura ng bansa.
Ang naturang deklarasyon ay lalong nagpasulong sa mabilis na lumalagong turismo at ekonomiya ng lalawigan ng Albay at isa sa mga pinaka-popular na destinasyon ng mga turista sa lugar.