Ang salitang “Ibalong” ay tumutukoy sa isang sinaunang pook-panirahan sa Bicol. Ayon sa mga mananaliksik, ang naturang lugar ay bahagi ngayon ng bayan ng Magallanes na matatagpuan sa lalawigan ng Sorsogon.

Ipinagdiriwang ang Ibalong, na hango sa isang epikong, may kaparehong pangalan, bilang paggunita sa kasaysayan at pagkilala sa aspetong kultural ng rehiyon. Itinatampok sa epiko ang kuwento ni “Ibalon” at ng tatlong magigiting na bayani na sina Baltog, Handyong, at Bantong.

Ayon sa kuwento, kinalaban nila ang halimaw na may isang mata, higanteng pating na lumilipad, buwaya, at iba pang mga nakakatakot na nilalang.

Ang epiko ay sinasabing nilapatan ng titik ni Padre Jose Castano, isang misyonerong Franciscano, at ibinigay sa isang makatang manlalakbay na si Cadundung. Sinasabing maaaring may (400) talata ang orihinal na epiko, subalit ito ngayon ay naging anim na lamang. Nagtatapos ito sa pagpatay ni Bantong sa isang nilalang na kalahating tao at kalahating halimaw.

Ang paglalahad ng epikong ito ay binibigyang-buhay sa pamamagitan ng makukulay na kasuotan at palamuti na itinatanghal sa parada sa mga lansangan at nilalahukan ng parehong kalalakihan at kababaihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *