Ang Calauit Safari Park ay isang 3,700-ektaryang game reserve at wildlife sanctuary sa Calauit Island sa baybayin ng lalawigan ng Palawan. Makikita dito ang mga African giraffes at zebra na galing pa ng Kenya na dinala sa Park noong 1976 ng dating Kenyan President Jomo Kenyatta kabilang ang Grevy’s Zebra na itinuturing na World’s Endangered Zebra at reticulated giraffe o mas kilala na Horn of Africa-born Somali giraffe.
Ang sanctuary ay itinatag noong Agosto 31, 1976 sa panahon ng pamumuno ni President Ferdinand Marcos. Makiktia sa naturang park na ang mga hayop ay malayang namumuhay sa 3700 ektaryang sanctuary.
Ang conservation facility na ito ay dating kilala bilang Calauit Game Preserve at Wildlife Sanctuary na naging tahanan ng mga critically endangered species sa Calamianes chain of islands ng Palawan.
Mula noong 1980, nadagdagan ito ng Calamian deer, pheasant peacock, Balabac mouse-deer, native bearcat, 100 African giraffes, eland, zebra, impala, bushbuck, gazelle, at waterbuck species. Mayroon ding Palawan bearded pig, isa sa mga apat na uri ng endangered wild pig species sa bansa. Meron din porcupine at Binturong (bearcat). Ang mga hayop na ito ay kabilang a Threatened Wildlife’s Philippine Red List. Makikita rin dito ang apat Philippine fresh water crocodile na nasa processo ng breeding stage upanng maparami ang kanilang lahi.