Para sa mga gustong maranasan ang spelunking sa Pilipinas, isa sa sa magandang puntahan ang isa sa mga subterranean wonders ng Marinduque. Ang Bagumbungan Cave.
Madalas itong ikumpara sa Sumaguing Cave ng Sagada dahil sa mga kamangha mangha nitong mg stalactites, stalagmites at rock formations. Ito ay matatagpuan sa Sitio Puti Brgy. San Isidro, Sta. Cruz Marinduque at ay may habang 1.9 kilometro.
Ito ay protektado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa tulong ng San Isidro (Local Government Unit) para mailigtas ang kuweba sa exploitation at ang ilang bahagi ay hindi pa nai-explore.
Ang Bagumbungan Cave ay isang magandang spelunking spot na nagpapamalas ng mga magagandang rock formations. Sa pasukan ng kweba, mayroong isang daanan patungo sa underground river basin nito.
Upang makarating doon, kailangan mong dumaan sa mga madudulas na surfaces at makikitid na daanan. Mas nagiging mahirap habang dumudulas ka sa maputik na area at maipit sa pagitan ng malalaking bato ngunit sulit ang pagod kapag narating mo na loob nito.