Pinatitibay ng Oriental Mindoro National High School (OMNHS), ang pinakamalaking pampublikong paaralang sekundarya sa lalawigan na may mahigit 6,000 mag-aaral, ang mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro sa harap ng posibleng matinding init.

Ayon kay OMNHS Assistant Principal for Operations and Learners Support Arlan Bolasco, mahigpit na minomonitor ng mga guro ang kalagayan ng mga mag-aaral at silid-aralan. Agad ding inirereport sa school nurse ang mga mag-aaral na nakararanas ng problemang pangkalusugan.

Nakahanda rin ang paaralan na gumamit ng online learning, modules at iba pang alternatibong paraan ng pag-aaral kung hindi na ligtas ang face-to-face classes, alinsunod sa mga patnubay ng Department of Education (DepEd).

Binigyang-diin ni Bolasco na pangunahing prayoridad ng paaralan ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral habang tinitiyak na magpapatuloy ang kanilang pagkatuto sa kabila ng posibleng epekto ng matinding init.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *