Agad na isinagawa ang clearing operations sa ilang lugar sa Montalban, Rizal matapos ang pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan na dala ng Habagat.

Kabilang sa nilinis ang Mount Oro sa Barangay Mascap, gayundin ang Riverside at 1K2 Kasiglahan Village sa Barangay San Jose. Inalis ng mga awtoridad at clearing teams ang putik, basura, mga sanga ng puno at iba pang debris na humarang sa mga kalsada at daluyan ng tubig.

Tuloy-tuloy ang clearing operations upang matiyak ang maayos, malinis at ligtas na mga daanan para sa mga residente at iba pang MontalbeƱo, lalo na habang patuloy na binabantayan ang epekto ng pag-ulan sa lugar.
Source: PIA CALABARZON