Nagsagawa ng preemptive evacuation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Sitio Aplaya, Barangay Balibago, Lian, Batangas noong Agosto 29 bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Habagat sa lugar.

Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, nasa 59 katao ang ligtas na nailikas mula sa nasabing lugar at dinala sa Balibago Elementary School, na nagsilbing evacuation center.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang PCG sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, lalo na sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng malakas na pag-ulan, pagbaha at iba pang panganib na dulot ng Habagat.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *