Handog ng Kasurog Cops ang food packs para sa isang dating rebelde na sa kasalukuyan ay naka-confine sa isang ospital sa Masbate.

Ang Police Regional Office 5 sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN Erosito N Miranda, Regional Director, ay sinisiguro na ang kapulisan ay hindi lamang nagpapatupad ng batas, kundi handang umagapay, tumulong, at magbigay ng pag-asa sa bawat mamamayang nagnanais na magbagong-buhay na nakabatay sa PNP Focused Agenda.

Agad na nagbigay tulong ang Revitalized Pulis Sa Barangay (RPSB) Team Sta. Maria ng Masbate 1st PMFC ng pangunahing pagkain at grocery supplies upang makatulong sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan habang ito ay nagpapagaling.

Nagpapatunay na may pagkakataon pa na magsimulang muli ng panibagong buhay ang mga naligaw na landas na ating mga kababayan dahil sa maling pakikibaka ng makakaliwang grupo. Ang PNP ay naka-agapay upang mapanatili ang kaayusan at seguridad tungo sa pagkamit ng kapayapaan sa Bicol Region.

Photo by: PRO 5

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *