Isa ang Binurong Point sa mga may natural na kagandahang taglay at kamangha-manghang tanawin. Ito ay isa sa mga pinakabagong atraksyon sa lalawigan ng Catanduanes.
Ang mga berdeng damuhan ang bubungad sa mga turista, habang naglalakad sa mga nakamamanghang tanawin mula sa baybayin at karagatan.
Ang napakarilag na burol at bangin ng Binurong Point ay maihahambing din sa Batanes, o maging sa Ireland. Dahil sa mga rock formations. Makikita rin mula sa Binurong Point ang malawak at magandang baybayin ng Philippine Sea.