Ang “Pagdulang” Festival ay ipinagdiriwang sa Founding Anniversary ng Aroroy sa Masbate tuwing ika-17 ng Nobyembre kada taon.
Ang Pagdulang ay nangangahulugan ng pagpoproseso ng paghihiwalay ng ginto mula sa lupa sa pamamagitan ng pagyanig at pag-ikot ng galaw ng mga panner. Ito ay bahagi ng mga aktibidad sa pagmimina na tinatawag na gold panning at gold sluicing.
Ang “pagdulang” din ay siyang pagsisimula ng “Pagdulang Folkdance”. Inilalarawan ng mga katutubo ang orihinal na sayaw na ito kung paano nakakahanap ng ginto ang mga gold panner ng Aroroy bilang kanilang pangunahing kabuhayan sa paggamit ng simpleng bilog na kawali na tinatawag na “dulangan”.
Sa ngayon, ay pinagtibay ng Pamahalaang Lokal ng Aroroy ang nasabing cultural dance na may pag-apruba ng dance researcher para maging opisyal na festival ng Bayan.