Nagsimula na ang ikalawang tranche ng Rice Distribution Program sa ilalim ng Bawat Bayan Makikinabang Program, kung saan muling namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng tig-19 kilong bigas sa mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor.

Kabilang sa mga tumanggap ng ayuda ang mga Child Development Workers (CDWs), Persons with Disabilities (PWDs), at mga senior citizen mula sa mga bayan ng Alitagtag, Balete, at Mataasnakahoy.

Isinagawa ang pamamahagi sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, tanggapan ni Governor Vilma Santos-Recto, at ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Bahagi ang inisyatibong ito ng Bawat Bayan Makikinabang Program, na naglalayong maabot ang iba’t ibang sektor ng lipunan at makapaghatid ng konkretong tulong sa bawat pamayanan sa buong lalawigan.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *