Isa sa tourist spot sa Masbate ang Buntod Reef Marine Sanctuary at Sandbar. Ito ang pangunahing likas na ipinagmamalaki ng mga taga-probinsya ng Masbate. Kilala sa masaganang marine ecosystem, mala-kristal na tubig, at isang kilometrong kulay pink na sandbar.
Ang marine sanctuary ay may lawak na 250 ektarya kung saan ang mga turista ay maaaring magkaroon ng pagkakataong masaksihan ang mga naglalakihang puno ng mangrove, ibat-ibang klase ng coral reef, at mga isda.
Patok din sa mga turista ang snorkeling o kayaking, na tiyak na atraksyon sa mala-paraisong ganda ng lugar.