Inilunsad ng pamahalaan ang ikalawang bugso ng pamamahagi ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families (PAFFP) sa Occidental Mindoro upang mabigyan ng ayuda ang mga benepisyaryong hindi nakadalo sa unang payout.

Isinagawa ang distribusyon noong Mayo 26 sa San Jose Municipal Compound para sa mga kwalipikadong benepisyaryo mula sa mga bayan ng San Jose, Magsaysay, at Rizal. Humigit-kumulang 1,500 magsasaka at mangingisda ang nakatanggap ng tig-P2,325 na tulong pinansyal.

Ayon sa Agricultural Program Coordinating Office (APCO) Occidental Mindoro, magpapatuloy ang ikalawang round ng pamamahagi sa iba pang mga bayan sa lalawigan upang matulungan ang mga apektado ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at gastusin sa kabuhayan.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *